Umabot na sa 34 ang bilang ng mga nasawi matapos ang alcohol poisoning sa isang rehiyon ng Kazakhstan na sakop ng Russia.
Base sa imbestigasyon, nasawi ang mga biktima matapos inumin ang nakalalasong alak na “Moonshine.”
Kritikal din sa ospital ang nasa 24 pang indibidwal matapos ding uminom ng naturang alak.
Dahil dito hinuli ang nasa 10 suspek na iligal na nagproproseso o nagsasagawa at namamahagi ng alak na hindi umano angkop sa katawan ng tao. —sa panulat ni Angelica Doctolero