Tatlumpu’t apat (34) ang patay nang mahulog sa bangin ang bus na may lulan naglululan ng mga Kristyano sa Antananarivo, Madagascar.
Labindalawa (12) sa mga bangkay ang halos hindi na makilala makaraang masunog ang sasakyan.
Ayon sa mga awtoridad, nahirapang umakat sa isang burol ang bus nang pababa na ay nawalan naman ng control ang driver dahilan upang bumulusok ito sa bangin.
Patungo sana sa lungsod ng Mahajanga ang mga pasahero mula sa bayan ng Soavinandriana para sa isang church meeting.
By Drew Nacino