Nasawi ang mahigit 30 katao makaraang yanigin ng magnitude 6.2 na lindol ang Indonesia.
Ayon sa pinagsamang datos ng mga otoridad, nasa 34 ang patay habang marami ang nasugatan dahil sa lindol na sumentro sa Sulawesi Island.
Gumuho rin ang isang ospital sa Mamuju City kung saan, nasa mahigit isang dosena pang pasyente at trabahador sa ospital ang na-trap sa mga gumuhong imprastraktura at kasalukuyan pa ring pinaghahanap.
Karamihan naman sa mga nasawi ay natabunan ng mga bato mula sa gumuhong mga gusali.
Dahil dito, ibinabala ng mga otoridad ang posibleng pagkakaroon ng malalakas pang aftershocks at tsunami sa lugar.