Nagtapos ng Junior High School sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ang 340 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Corrections Technical chief Supt. Maria Fe Marquez, binibigyan ng tiyansa ang mga bilanggo na makapagtapos ng pag-aaral kung saan, hindi sapilitan ang pagsali sa ALS.
Sinabi ni Marquez na mayroong insentibo ang mga lalahok at maaaring mapaiksi ang kanilang sintensya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa tulong ng GCTA, mababawasan ng 15 araw kada buwan ang sintensya ng mga lumalahok sa naturang programa.