Nasa 35 Barangay sa Ilagan City, Isabela ang isinailalim sa granular lockdown simula nitong linggo hanggang Oktubre 4, 2021 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang sa mga sakop ng lockdown ay ang Barangay Alibagu, Guinatan, Calamagui 2nd, Baculod, Bliss Village, Bagumbayan, Baligatan, Osmena, Sta. Barbara, San Vicente, Centro Poblacion, San Felipe, San Ignacio, Cabisera 2, Cabisera 4, Alinguigan 1st, Fuyo, Salindingan, Namnama, San Juan, Cabannungan 2nd, Alinguigan 2nd, Centro San Antonio, Manaring, Calamagui 1st, Camunatan, San Isidro, Siffu, Naguilian Norte, Cabisera 3, Cabiseria 8, Aggasian, Marana 3rd, Naguilian Sur at Cabisera 22.
Kaugnay nito, nagtalaga naman ng watchmen sa nasabing mga barangay upang matiyak na hindi makakalabas ang mga residente na nasa edad 18 pababa at 65 pataas gayundin ang mga buntis at may mga comorbidity.
Ipatutupad rin ang curfew hours mula alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.
Epektibo rin ang liquor ban, odd-even scheme sa mga tricycle at pinaiiral rin ang ”by schedule” system sa mga pamilihan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico