Papasyal ang 35 batang bakwit sa Malacañang upang personal na makita si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Bahagi ang aktibidad na ito ng limang araw na “Tabak Educational Tour : Peaceful Environment for Marawi Children” ng Joint Task Force Marawi na magsisimula ngayong araw hanggang sa Setyembre 1.
Ayon kay Brigadier General Rolando Joselito Bautista, Commander ng Joint Task Force Marawi at 1st Infantry Division, layunin ng lakbay-aral na gabayan at turuan ang mga bata na maging isang tunay na lider at alamin ang tungkulin na dapat nilang gampanan sa lipunan sa hinaharap.
Nakipag-ugnayan na rin ang militar sa pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police Women and Children Protection Desk at sa iba pang grupo upang maayos na maisakatuparan ang nasabing aktibidad.
By Arianne Palma