Umabot sa 35 mga dayuhan na napag-alamang registered sex offenders (RSOS) ang naharang ng mga awtoridad mula sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito’y ayon sa datos ahensya noong nakaraang taon, anito ang mga naharang na dayuhang RSOS na planong pumasok ng bansa ay agad na i-dineport pabalik ng kani-kanilang mga bansa.
Dagdag ni Morente, kung ang mga datos na ito noong 2020 ang pagbabasehan, maliit pa aniya ito dahil noong 2019, ay naitala ng ahensya ang nasa 160 na mga rsos na gustong makapasok ng pilipinas.
Mababatid na ang mga RSOS ay mga indibidwal na nasangkot sa mga sex crimes sa kanilang mga bansa at napawalang sala na sang-ayon sa kanilang batas.
Sa panig naman ng BI, iginiit nito na kanilang kinukuha ng ang mga impormasyon ng mga rsos sa kanilang mga foreign counterparts para agad nitong mailagay sa blacklist ang mga ito.