Nakatakdang dumating sa bansa ang 35 distressed Filipino workers mula Kuwait ngayong Miyerkules, Pebrero 22.
Ayon sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration, karamihan sa mga ire-repatriate ay nagtrabaho bilang HSW o Household Service Workers sa nasabing bansa.
Sinabi ng OWWA na bukod sa airport assistance, bibigyan din ang mga nasabing OFW ng libreng legal assistance sa pamamagitan ng kanilang single-entry approach program.
Kaugnay nito, ikinukunsidera na ng gobyerno ang posibleng pagpapataw ng suspensyon sa deployment ng mga OFW sa Kuwait dahil sa pang-aabuso sa ilang OFW, partikular na sa mga babaeng HSW’S.
By Meann Tanbio