Inaasahang makapapasok na sa Pilipinas ang mahigit sa 37 bilyong pisong investment na siyang lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ito’y makaraang aprubahan ng Malacañang ang nasa 35 registered ecozones sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA.
Mula ito sa kabuuang pitumpu’t walong (78) backlog ng PEZA na kasalukuyan pa ring nakabinbin dahil isinasailalim pa ito sa pagbusisi.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, mula sa naturang bilang, isa rito ang agri-industrial economic zone, 26 ang IT centers, 4 ang IT parks at 4 ang manucaturing ecozones.
—-