Mahigit sa 30 kababaihan na kabilang sa Persons Deprived of Liberty (PDL) na pawang nakapiit sa Correctional Institution for Women ang pinayagang makabisita sa kanilang mga mister o partner na nakabilanggo naman sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Spokesperson Sonny del Rosario, ginawa nila ang hakbang na ito upang maipakita at maipadama, kahit paapano sa mga PDL couples ang Spirit of Christmas.
Pahayag ni del Rosario, 35 female pdls ang binigyan nila ng permiso kahapon para makita at makasama ang kanilang mga asawa o partner na nasa National Penitentiary.
Ilan sa mga kababaihang bilanggo ang nakulong makaraang maadawit sa kaso na kinasasangkutan ng kanilang mga mister.