Nagpositibo sa COVID-19 ang 3 health workers sa isang pribadong ospital sa Iloilo City.
Ayon kay Dr. Florentino Alerta, training consultant at safety and pollution control officer ng Iloilo mission hospital ang karamihan sa mga nagpositibo ay mula sa business office nila at una nang nabakunahan ng AstraZeneca at Sinovac.
Dahil dito muling nagpaalala si Alerta sa publiko na proteksyon lamang ang COVID-19 vaccine para hindi lumala ang kondisyon ng isang pasyenteng nahawahan ng virus.