Umabot sa 35 ang nasawi habang nasa mahigit 20 katao ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Northern Burkina Faso sa West Africa.
Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, lulan ng isang sasakyan ang mga biktima na papunta sana sa bayan ng Bourzanga at Djibo nang mangyari ang pagsabog.
Lumalabas naman sa paunang imbestigasyon na posibleng mga miyembro ng islamic extremist rebels na Al-Qaida at islamic state group ang nasa likod ng insidente.
Nabatid na ito ang ika-limang pagsabog na naitala sa naturang lugar mula noong nakaraang buwan.