Tatlumpu’t lima (35) katao ang patay habang mahigit isandaan (100) ang sugatan sa pagsabog ng gas tanker sa Nigeria.
Ayon sa State Emergency Management Agency, nangyari ang pagsabog habang nagdidiskarga ito ng langis sa isang gasolinahan sa siyudad ng Abuja.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring aksidente.
Matatandaang noong Hunyo, nang isang magliyab din ang isang petrol tanker sa Lagos na naging sanhi ng pagkasunog ng 53 sasakyan.
—-