Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buksan ang mga lumang ruta ng bus bago ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Tugon ito ng LTFRB sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, partikular ng mga estudyante sa pagsisimula ng klase sa Agosto a – 22.
Ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Garafil, 35 ruta na ang kanilang natukoy na bubuksan bago ang face to face classes.
Gayunman, 30% lamang anya ng mga lumang bus routes ang ibabalik, kabilang ang mga bumibyahe sa University belt, Lawton at Commonwealth Avenue.
Aminado naman si Garafil na isang malaking hamon na ibalik sa 100% ang mga lumang ruta lalo’t may biyahe pa ang EDSA bus way carousel hanggang katapusan ng taon.
Sakaling ituloy, posibleng sa susunod na taon pa makamit ang total capacity sa reopening ng mga lumang bus route.