Hinihinalang galing sa tinaguriang Golden Triangle ang 35 milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport kahapon.
Ang Golden Triangle ay ang malawak na pagawaan ng droga na sakop ng Myanmar, Laos at Thailand.
Malaki rin ang posibilidad na galing ito ng Cambodia dahil dito nanggaling ang suspek na si Nazarene Obillo.
Matatandaang kahapon ay nakuha ng mga otoridad ng paliparan ang isang babahe na naglalaman ng shabu.