Sumuko sa gobyerno ang 35 miyembro ng New People’s Army (NPA) at kanilang pamilya sa Compostela Valley.
Ayon kay Col. Macairog Albert, commander ng 1001st Infantry Brigade, sa naturang bilang, 15 rito ay mga miyembro ng NPA habang ang natitira ay kanilang mga kaanak.
Kabilang sa mga isinuko ng mga rebelde ang isang M-60 general purpose machine gun, dalawang M16-A1 armalite rifle, dalawang rocket-propelled grenade launchers, isang improvised explosive device at commercial high frequency radio na may kasamang charger.
Ang mga sumukong rebelde ay makakukuha ng suporta mula sa Compostela Valley Provincial Government at magiging bahagi sila ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP.
By Meann Tanbio