Umabot na sa 35% ng mga Pamilyang Pilipino ang hindi nakakain ng masustansyang pagkain.
Ito ang ikinabahala ni Anakalusugan Representative Ray Reyes matapos maiulat ng national nutrition council ang nasabing porsyento.
Ayon sa mambabatas, maliban sa pagkagutom ay hindi rin abot-kaya ng lahat ang presyo ng mga masustansyang pagkain sa Pilipinas.
Dahil dito, itinutulak ni Representative Reyes ang Panukalang Zero Hunger Act o House 2189, na naglalayong maglatag ng mga programa upang mabura ang kagutuman sa bansa sa 2030.
Sa ilalim ng panukala, itatayo ang Commission on the Right to Adequate Food, na siyang magiging primary policy-making at coordinating body hinggil sa pagtugon sa kawalan ng makain at iba pang katulad na isyu. - sa panunulat ni Jenn Patrolla