35 ang nasawi habang 134 ang sugatan sa missile strike ng russia sa lungsod ng Lviv, Ukraine.
Naganap ang pag-atake sa military base ng Yavoriv International Center for Peacekeeping and Security.
Ang naturang lungsod ay malapit lamang sa border ng Poland na isa sa mga miyembro ng Western Defense Alliance na North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Una nang ibinabala ni Russian Foreign Ministry na ikinukunsiderang lehitimong target ang mga convoy ng weapons shipments sa Ukraine mula sa anumang NATO member country.
Kabilang ang planong pagsali ng ukraine sa NATO sa dahilan ng pagsiklab ng pag-atake ng Russia.