Patay ang 35 migrante matapos tumaob ang isang bangka sa karagatang sakop ng Libya.
Ayon sa U.N. Migration Agency, ito na ang ikalawang trahedya na naganap sa loob lamang ng wala pang isang linggo na kinasasangkutan ng mga migrante.
Nabatid na ang mga nasabing migrante ay mula pa umano sa North Africa upang maghanap ng mas magandang buhay sa Europe.
Sa ngayon, aabot na sa 53 migrante ang pinaniniwalaang nasawi kung saan, ang iba sakanila ay patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad. —sa panulat ni Angelica Doctolero