Halos P300-K halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Davao City jail.
Ito ay matapos madiskubre ng jailguard ang 35 sachet ng shabu na nakasiksik sa mga laman ng manok at mga sili ng adobong ipapadala sana ng suspek na si Richard Caybot sa sa male dormitory ng Davao City jail.
Ayon sa BJMP, dinala na sa Talomo police station ang suspek na nakatakda nang kasuhan.
Hunyo nang matuklasan din sa male dormitory ng nasabing kulungan ang anim na sachet ng shabu na nakasilid naman sa loob ng isang basketball na hinagpit sa compound ng bilangguan.