Umaabot sa 350 kilo ng basura ang nahakot ng ibat ibang grupo sa isinagawang clean up drive sa Boracay island sa Malay, Aklan.
Ang hakbangin ay pinangunahan ng Philippine Coastguard Station Aklan, Special Operation Unit Aklan at Coastguard Sub-station Boracay bilang pagdiriwang sa 38th founding anniversary ng PCG Western Visayas.
Katuwang din sa nasabing underwater clean up drive kung saan nakuha ang mga plastic, bote, gulong, ilang kable at tubo ang volunteer divers ng Boracay business administration of scuba sports.
Malaking tulong ang naturang clean up drive para maibalik ang ganda ng karagatan at mapangalagaan ang marine biodiversity.