Nangangailangan ng 350 Pinoy nurse ang Germany.
Ito ang inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ayon sa POEA, itatalaga ang mga nurse na makukuha sa intensive care unit, geriatric care, nursing home, elderly care, general ward, medical and surgery ward, operating room, neurology at orthopedics.
Aabot umano sa 2,000 euro o P118,000 kada buwan ang sahod at maaari pang tumaas hanggang P141,000.
Nakatakda sa Hunyo 7 ang huling araw ng pagsumite ng mga application at requirement.