Nakauwi na ng bansa ang nasa 350 distressed Filipinos mula sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, dumating sa Pilipinas ang mga repatriated Filipinos nitong nakalipas na Biyernes.
Ayon kay DFA acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose De Vega, na kabilang sa mga
ilang senior citizens, expectant women, mga bata, at anim na sanggol.
Pahayag ni De Vega, ngayong pumasok na ang holiday season, sisikapin nilang mapauwi ang mga kababayan natin sa ibayong dagat na nais nang magbalik-bansa, nang sa gayu’y makapiling nila sa araw ng pasko ang kanilang mga mahal sa buhay.
Giit pa ni De Vega, na isang malaking inspirasyon para sa kanila ang saya’t ngiti na nakikita nila sa bawat Repatriated Filipinos pagdating ng mga ito sa kanilang lupang sinilangan.
Kaya naman gagawin aniya nila ang lahat upang maibigay at maipadama sa mga bagong bayani ng bansa ang tunay at maayos na serbisyo ng kanilang ahensya.