Tinatayang 350,000 foreign workers ang kailangan ngayon ng Japan para sa 14 na industriya.
Sa isang virtual forum, isiniwalat na Labor Attaché Marie Rose Escalada na kabilang sa mga makikinabang sa mga job opportunities na ito ang mga Pinoy sa ilalim ng Special Skilled Worker (SSW) visa.
Sinabi ni Escalante na ang mga aplikante ay dapat 18 taong gulang pataas, pasado sa Japanese language proficiency test at skills test, o kaya’y nakatapos na ng kanilang technical intern training.