Nakabalik na sa bansa ang mahigit 300 Pinoy seamen mula sa Miami, USA.
Ang 354 na Pinoy seamen ay balik -bansa sakay ng chartered flight na inayos ng Philippine Embassy sa Washington, DC at UPL Manning Agency.
(1/2) Service for our kababayan never yields as DFA welcomes 354 seafarers from Miami, USA, at #NAIA T1 today. The PH Embassy in Washington DC, in coordination with the local manning agency, UPL, arranged the chartered flight that brought the said crew back home. @teddyboylocsin pic.twitter.com/aOiXh7OrLd
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 15, 2020
Ang panibagong batch ng repatriates ay nagmula sa Carnival Cruise kung saan mahigit 70 crew members ay mula sa MV Ecstasy, mahigit 100 sa MV Dream, halos 50 sa MV Glory at mahigit 100 sa MV Sunshine.