Aabot sa 357 Persons Deprived of Liberty (PDLS) ang pinalaya mula sa 6 na prison facilities sa Bureau of Corrections (BuCor).
Personal na sinaksihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya na naganap sa new bilibid prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Remulla, target nilang magpalaya ng kwalipikadong bilanggo kada araw.
Sa nabanggit na bilang ng pinalaya, 122 ang binigyan ng parole habang 235 ang tapos nang magsilbi ng kanilang termino sa bilangguan.
Nagmula ang mga ito sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City; San Ramos Prison and penal farm sa Zamboanga City; Iwahig Prison and penal farm sa Palawan; Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; at Davao Prison and penal farm sa Davao Del Norte