Aarangkada na ang 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministers on Energy Meeting na pangungunahan ng DOE o Department of Energy sa Pasay City ngayong araw.
Dito tatalakayin ng mga kinatawan ng miyembro ng ASEAN ang pagpapalawig sa ‘sustainable energy’.
Umaasa naman si Energy Alfonso Cusi na mailalatag din ang mga polisiya para mapalakas ang ASEAN energy sa international stage.
Ang nasabing ministerial meeting ay may tema na ‘One ASEAN Community to Resilient and Sustainable Energy’.