Muling nakarekober ng nasa tatlumpu’t anim na bloke ng hinihinalang cocaine ang mga awtoridad sa baybayin ng Tandag City, Surigao del Sur.
Ayon kay Caraga Police Regional Director Chief Supt. Gilbert Cruz, dalawang mangingisdang kinilalang sina Ronnie Navales at Ryan Apelo ang nakakita sa mga nasabing kontrabando na palutang lutang sa karagatang bahagi ng barangay Bugtod.
Agad naman aniyang ipinagbigay alam ng mga ito sa Surigao del Sur PNP ang mga nakita.
Dagdag ni Cruz, kanilang nakumpirmang cocaine ang mga nakuhang kontrabando matapos nilang isailalim ang ito sa imbentaryo kasama ang Surigao del Sur crime laboratory at Tandag City Mayor Alexander Pimentel.
Sa ngayon, hawak na ng Police Regional Office 13 ang narekober na cocaine para sa mga karagdagang pagsusuri at tamang disposition.
Ito na ng ikatlong pagkakataon na nakakuha ng mga bloke-blokeng cocaine sa Caraga region kasunod ng mga unang nakita sa Siargao at Dinagat islands.
PANOORIN:
Mga nakumpiskang cocaine sa Tandag City, Surigao de Sur | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/aoT3tE6vBi— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 24, 2019