Nagpositibo sa ng COVID-19 ang 36 na health workers ng Lung Center of the Philippines.
Ayon kay Dr. Norberto Francisco ng media relations ng ospital, dahil sa mga tinamaan ng virus na health workers, nagkukulang na sila ngayon sa manpower.
Ani Francisco, gustuhin man nilang palawigin pa ang kanilang serbisyo lalo’t isa ang Lung Center sa may pinakamaraming bed capacity ang inilaan para sa COVID patients, nalilimitahan ang kanilang serbisyo dahil sa kakulangan sa tao.
Sa ngayon ay puno pa rin aniya ang kanilang ospital at minsan ay umaabot ng hanggang limang araw ang paghihintay ng mga pasyente sa emergency room para maiakyat sa kwarto.