Tatlongpo’t anim (36) katao ang hinatulan ng Korte sa Southern China ng mahigit dalawangpung (20) taong pagkakakulong.
Ito’y dahil sa kinasasangkutan nilang gang crimes tulad ng homicide, assault at pagtatayo ng iligal na mga casino.
Batay sa ulat ng isang news agency, si Huang Tuwang na gang leader ng Hainan ay hinatulan ng dalawangpo’t limang (25) pagkakabilanggo kaugnay sa mga aktibidad sa kanyang gang simula pa noong 2005.
Ang iba namang mga miyembro nito ay nahatulan ng labing dalawang (12) buwan hanggang dalawangpo’t tatlong (23) taong pagkakabilanggo dahil naman sa ibat’ ibang krimen.