Tatlumpu’t lima (36) na ang patay sa pagguho ng isang tulay sa Genoa, Italy.
Labing-anim (16) naman ang nasugatan kabilang ang siyam (9) na nasa malubhang kondisyon.
Ayon kay Italian Prime Minister Giuseppe Conte, lumambot ang pundasyon ng Morandi Bridge dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Nasa tatlumpung (30) sasakyan anya kabilang ang ilang heavy-duty truck ang naapektuhan.
Inaasahang madaragdagan ang bilang ng casualties habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
—-