Fully operational na ang 36 mula sa 46 na escalator units ng MRT line 3.
Kasunod na rin ito ayon sa DOTR MRT 3 nang pagsasaayos ng Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries Limited at Tes Philippines Incorporated sa ilang units sa Cuban station southbound at Boni station southbound.
Target ng maintenance provider na maging operational ang lahat ng escalator units at elevators ng MRT 3 bago matapos ang taong ito.