Mas maraming Pilipino ang sumusuporta sa mga Marcos kumpara sa mga Duterte at kanilang kaalyansa.
Sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 36% ng adult respondents ang sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang 18% lamang ang nagsabing sila ay pro-Duterte.
Kaugnay nito, 26% ng survey respondents ang nagsabing wala silang sinusuportahan sa dalawa, habang 12% ang tumanging sumagot o hindi alam kung sino ang pipiliin.
Samantala, 8% naman ng respondents ang nagsabing sinusuportahan nila ang opposition party.
Itinuturing na halos hindi nagbago ang bilang ng Marcos at Duterte supporters mula sa 3rd quarter Tugon ng Masa survey noong August 2024, gayunman, bumaba ng 2% ang pro-Marcos kumpara sa mga taga-suporta ng pamilya Duterte. – Sa panulat ni Laica Cuevas