Nagbabala ang International Monetary Fund na t36% ng mga trabaho sa Pilipinas ang lantad o sinasabing mapapalitan ng articial intelligence.
Ayon sa IMF, aabot sa apat kada sampung trabaho ang exposed sa AI at may potensyal itong palitan ang mga empleyado o pagaanin ang kanilang trabaho.
Sinasabing mas apektado ng makabagong teknolohiya ang mga kababaihan dahil nasa industriya ang mga ito ng clerical support, service at sales.
Tinataya namang minimal lamang ang epekto ng AI sa mga trabaho ng kalalakihan dahil nasa industriya ang mga ito ng kalakalan, agrikultura, machine operations, at elementary occupations o trabaho tulad ng paglilinis, restocking ng supplies at basic maintenance sa mga hotel, opisina at iba pang estbalisyemento. – Sa panulat ni Laica Cuevas