Ganap nang ipatutupad ang liquor ban sa lungsod ng Maynila simula ngayong Lunes, Enero 8, 6:00 ng gabi at magtatapos sa Miyerkules, Enero 10, 5:00 ng umaga.
Ito’y bilang bahagi ng seguridad na inilatag ng mga otoridad para sa pista ng Itim na Nazareno sa araw ng Martes, Enero 9.
Sakop ng ban ang nasa dalawangdaang (200) metro mula sa mga lugar na daraanan ng prosesyon ng Itim na Nazareno.
Samantala, asahan din ang pagkawala ng cellphone signal sa loob ng isang kilomentrong layo mula sa andas ng Black Nazarene.
Pagtambay sa Jone Bridge, bawal na
Hindi tulad noong nakaraang taon, bawal na ngayon ang pagtambay sa Jones Bridge sa Maynila para mag-abang sa pagdaan ng Itim na Nazareno sa traslacion.
Ayon kay Johnny Yu, direktor ng City Disaster Office, sa pagdaan na lamang ng andas bubuksan ang naturang tulay.
Kakayanin naman aniya ng Jones Bridge ang bigat ng daan-daang tao ngunit ipinagbawal pa rin ang pag-abang sa andas sa tulay para iwas disgrasya at tuloy-tuloy ang usad ng prusisyon.
Ayon kay Yu, 26 na medical station ang ipoposte nila sa ruta ng traslacion.