Hindi bababa sa tatlumpu’t anim (36) katao ang nasawi matapos mahulog sa ilog ang isang bus sa West Bengal India.
Ayon sa West Bengal Transport Ministry, may sa sakay na limampu’t limang (55) pasahero ang nasabing bus nang mahulog ito sa tulay na may taas na 30 feet at bumagsak sa Bhairav River.
Sinasabing nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus.
Inabot naman ng anim na oras ang rescue operations habang naitakbo naman sa isang local hospital ang mga nakaligtas sa insidente.
—-