Isiniwalat ng Department of Interior and Local Government (DILG) na karamihan sa mga nag-apply bilang contact tracers sa Quezon City ay kulang-kulang ang mga ipinasang requirements.
Katunayan, ayon kay DILG-QC director Emmanuel Borromeo, sa 1,000 aplikante, nasa 364 lamang ang mga nakapagsumite ng kumpletong requirements tulad ng letter of intent, personal data sheet, National Bureau of Investigation clearance, at drug test result.
Nilinaw naman ni Borromeo na hanggang Setyembre 23 lamang ang recruit process na gagawin nila.