Karagdagang 365 thousand doses ng US-made Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno ang dumating na sa Pilipinas, kagabi.
Mag-a-alas-9 nang lumapag sa NAIA terminal 3, Pasay City ang eroplanong may kargang 313,000 doses ng bakuna habang alas -6:30 dumating sa Cebu ang nasa 51,400 doses ng Pfizer.
Ayon kay vaccine czar, secretary Carlito Galvez, dadalhin ngayong umaga sa Davao City ang 51,400 doses ng bakuna.
Sa datos ng DOH, aabot na sa 27.8 million doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na binubuo ng 15.2 million para sa first doses at 12.5 million sa second doses.—sa panulat ni Drew Nacino