Natunton na ng Department of Health (DOH) ang 368 indibidwal na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa nasabing bilang, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naisalang na sa polymerase chain reaction (PCR ) tests ang 233 sa mga ito.
Limampu’t pito (57) dito ang nagpositibo, 135 ang negatibo, habang hinihintay naman ang resulta sa sample ng 41 iba pa.
Sinabi ni Vergeire na inabot ng tatlong araw ang “contact tracing” na ginawa nila kung saan nasa 2,000 indibidwal ang isinalang sa test sa Sagada at Bontoc.