Nakapagtala ang Pilipinas ng 368 new Covid-19 cases habang bumaba naman sa 12,473 ang active cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), kasunod ito ng naitalang 500 cases nitong nakalipas na Biyernes.
Base sa talaan ng DOH, bumagsak ang bilang ng aktibong kaso mula sa 12,491 kamakailan.
Pumalo sa 4,070,136 ang kabuuang virus cases sa bansa.
Samantala, umakyat sa 3,992,088, ang recovery tally at nasa 65,575 naman ang mga pumanaw.
Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ng National Capital Region ang pinakamataas kaso na umabot sa 1,860, sinundan ng CALABARZON – 954, Central Luzon – 475, Cagayan Valley – 403, at Western Visayas – 321.