Kritikal ang kalagayan ng isang trenta’y siyete anyos na babae matapos saksakin sa iba’t ibang parte ng katawan ng isang hostage taker sa Antipolo City.
Kinilala ang biktima na si Teresa Lorena habang ligtas naman na naisalba ang dalawa pang hostage victim na sina Mary Grace Lorena, 25 anyos at 6 na buwang sanggol.
Batay sa imbestigasyon, pinasok ng suspek ang kanilang tahanan sa barangay mambungan sa nasabing lungsod.
Isinugod naman sa ospital ang hostage taker dahil sa mga tama ng bala sa katawan matapos na barilin ng otoridad.
Samantala, pagnanakaw ang hinihinalang motibo sa nasabing krimen. — Sa panulat ni Airiam Sancho