Patuloy na sumisirit ang mga kaso ng COVID-19 sa South Africa bunsod na rin ng paglaganap ng Omicron variant.
Batay sa inilabas na ulat ng health minister ng nasbaing bansa, nasa mahigit 11,000 kaso na ang naitatala kumpara sa mga nakalipas na araw.
Nuong November 24, nadiskubre nila ang Omicron variant kung saan nasa limangdaang beses na nakahahawa sa mabagsik na Delta variant.
Dito rin nagsimulang dumami ang naitatalang kaso mula sa daan-daan hanggang sa libo libo nang kaso ang naitala sa katapusan ng nasabing buwan.
Samantala, napasok na rin ng naturang variant ang ilang bansa sa buong mundo.
Bukod sa South Africa at US, kabilang din dito ay ang Saudi Arabia, Australia, Belgium, Botswana, Britain, Denmark, Germany, Hong Kong, Israel, Italy, The Netherlands, France, Canada, Norway, Austria, Sri Lanka, South Korea, Singapore at marami pa.