Isang bangkay na ang narekober na ng mga otoridad sa loob ng nasunog sa NCCC Mall sa Davao.
Ito ang kinumpirma ni Davao City Police Office Director Senior Supt. Alexander Tagum na kabilang sa 37 kataong pinangangambahang nasawi matapos ma-trap sa loob ng nasunog na mall.
Ayon sa Facebook post ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, malabo nang mailigtas pa ang mga nasabing biktima na pinaniniwalaang pawang mga empleyado ng call center company, batay na rin sa assessment ng BFP o Bureau of Fire Protection.
Sa impormasyon mula sa Davao City Police, nagsimula ang sunod sa furniture section sa third floor ng mall at agad na kumalat at umakyat sa 4th floor kung saan naroon ang isang call center company.