Nasa 37 lugar na lang sa Metro Manila ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, matatagpuan ang 37 areas na ito sa lungsod ng Maynila.
Kinailangang ilagay sa granular lockdown ang lugar matapos magpositibo sa Covid-19 ang nasa 45 pamilya o katumbas ng 204 na mga indibidwal.
Sa buong Pilipinas, nasa 343 na lamang ang mga lugar na naka-granular lockdown. —sa panulat ni Abby Malanday