Binaha ang 37 lugar sa Zamboanga peninsula dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan bunsod ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Ramon Ochotorena, kabilang sa mga binaha ang 16 na barangay mula sa Zamboanga Sibugay, 7 sa Zamboanga del Norte at 11 sa Zamboanga del Sur habang 3 naman sa Zamboanga Peninsula.
Nabatid na nagdeploy ng mga tauhan ang Local Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) matapos makaranas ng tatlong landslide ang Zamboanga Sibugay.
Layunin nitong maisalba ang nasa 2K residente na nakatira sa critical areas na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan.