Aabot na sa mahigit 37 na milyong Filipino ang nakapag-parehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID.
Ito’y batay sa datos ng National Economic and Development Authority at NEDA.
Ayon sa NEDA mula sa zero registrations noong bago magsimula ang pandemic noong nakaraang taon, ngayon as of Hulyo 2, 2021, mayroon nang 37.2 milyong indibidwal na ang nakakumpleto ng step 1 o Demographic Data Collection.
Samantala, nasa 16.2 milyong indibidwal ang nakumpleto na ng step 2 o Biometrics Capture.
Aabot naman sa 342,742 registrants ang nakatanggap na ng kanilang Philippine ID cards.
Dahil dito, kumpiyansa ang NEDA na maabot ang 50 hanggang 70 milyong target registrations bago matapos ang taon.