Sumuko sa pamahalaan ang nasa 37 miyembro ng CPP-NPA-NDF sa bansa.
Pinangunahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang programa kung saan, malaking ambag sa paglaban ng krimen at iba pang kaguluhan ang ginawang pagsuko ng mga kasapi ng communist terrorist group.
Nabatid na makatatanggap ng benepisyo ang mga terorista na sinasabing sangkot din sa pagsasagawa ng kilos protesta at kontra-gobyerno pero nagbalik-loob din sa ilalim ng administrasyong Marcos.