Pumalo na sa 942 ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos dapuan ng impeksiyon ang 37 iba pa.
Ayon sa PNP Health Service, ang 19 na bagong kaso ay mula sa Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7); 12 sa National Capital Region Police Office; dalawa sa PRO-4A (Calabarzon) at isa naman sa PRO-3 (Central Luzon), PRO-6 (Western Visayas), National Headquarters at PNP Finance Service.
Samantala, 419 na ang bilang ng mga PNP personnel na gumaling mula sa sakit habang nananatili sa siyam ang mga nasawi.
Patuloy namang mino-monitor ng PNP Health Service ang 657 probable cases at 1,258 suspected cases.