Nasawi ang 37 katao matapos maaksidente at mahulog sa kanal ang isang pampasaherong bus sa Sidhi, Madhya Pradesh sa India nitong Martes ng umaga.
Batay sa imbestigasyong ng mga pulis, nawalan ng kontrol ang bus dahilan upang tumama ito sa tulay at dumiretso sa kanal.
Pinatigil naman ng lokal na opisyal sa India ang pagpapadaloy ng tubig sa kanal upang mas mapabilis ang rescue operations sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Madhya Pradesh Chief Minister Shivraj Singh Chouhan sa lahat ng naulila ng mga biktima sa pamamagitan ng video message.
Habang magpapaabot naman ng tulong pinansyal si Prime Minister Narendra Modi sa pamilya ng mga nasawi na nagkakahalagang 200,000 rupees ($2,750).—sa panulat ni Agustina Nolasco