37 pang mga Person’s Deprived of Liberty (PDL) ang muling palalayin ng Department of Justice (DOJ) matapos sumunod sa utos ni Pangulong Rodrigo na sumuko sa mga otoridad dahil sa isyu sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete, inaprubahan na ng oversight committee ang rekomendasyon ng DOJ-Bureau of Corrections (BuCor) joint task force para sa muling pagpapalaya ng mga nabanggit na convict.
Dahil dito, aabot na sa kabuuang 124 na mga sumukong convict ang muling napalaya ng ahensiya.
Magugunitang, pumalo sa 2,221 ang bilang ng mga convict na sumuko kasunod ng 15 araw na ultimatum ni Pangulong Duterte.
Mas mataas ito sa 1,914 na nasa listahan ng DOJ-BuCor na napalayang convict ng heinous crimes dahil sa GCTA law.